INANUNSIYO ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong Martes ng gabi ang 21-man Gilas Pilipinas pool para sa FIBA World Cup.
Ang pool ay pinangungunahan nina Jordan Clarkson at Justin Brownlee, na kuminang sa dalawang naunang World Cup Qualifiers windows.
Pasok din si Ange Kouame, na nanganga- hulugan na tatlong play- ers na klinasipika bilang “naturalized” ang magaagawan sa nag-iisang foreign player spot para sa Gilas.
Kabilang din sa pool sina Dwight Ramos, Chris Newsome, magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, CJ Perez, Rhenz Abando, Jordan Heading, RR Po- goy, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Carl Tamayo, Ray-Ray Parks, June Mar Fajardo, Kai Sotto, AJ Edu, at Calvin Oftana.
Si Sotto ay isinama sa pool sa kabila ng kanyang posibleng unavailability dahil sa NBA Summer League.
Samantala, inaasahang makikiusap ang SBP sa FIBA para i-reclassify si Brownlee bilang isang local.
Sinabi ni SBP vice president Ricky Vargas noong nakaraang buwan na plano nilang itulak na ituring na local si Brownlee dahil eligible na ito ngayon para sa special residency rule ng FIBA.
Batay sa rule, ang foreign players na naninirahan sa bansa na nais nilang katawanin ng mini- mum na pitong taon ay maaaring umapela para ma-classify bilang local.
Si Brownlee ang resi- dent import ng Ginebra magmula pa noong 2016.
“It’s worth a try. Bakit hindi (Why not)?” sabi ni Vargas.
Unang makakasagupa ng Gilas ang Dominican Republic sa Philippine Arena sa opening day ng group phase, na susundan ng Angola (August 27) at Italy (August 29) sa Araneta Coliseum.