CLARKSON DARATING SA PINAS NGAYON

Jordan Clarkson

NAKATAKDANG dumating sa bansa ngayong araw si Jordan Clarkson, ang sikat na Fil-Am Utah Jazz player, upang tuparin ang kanyang pangako na sasamahan ang Philippine team sa darating na FIBA Basketball World Cup.

Kumalat sa social media kahapon ang kanyang litrato sa Los Angeles International Airport, na kinunan ni Filipino digital creator at photojournalist Jhay Otamias.

Ibinahagi ni Otamias ang isang snapshot kasama si 31-year-old Clarkson, na pasakay sa kanyang flight sa Manila.

Sa kanyang pagdating ay magkakaroon ang dating NBA Sixth Man of the Year ng mahigit dalawang linggo upang muling makilala ang national team bago sumabak sa 2023 FIBA World Cup, isang co-hosted event ng Pilipinas, Japan, at Indonesia.

Ang talented Filipino-American guard, na kilala sa kanyang sharpshooting skills, ay inaasahang darating sa Manila ngayong Martes at lalahok sa ensayo ng Gilas sa sumunod na araw.

Dahil sa kanyang NBA background, si Clarkson ay hindi maikakailang magiging primary scoring option ng Gilas.

“The foremost anticipation is his basketball readiness. While he may not be at peak game shape just yet, he will have ample time to reach that point. For a player of his caliber, his basketball skills and game shape should align sufficiently,” pahayag ni Reyes sa kanyang pagbisita kamakailan sa online sports show, Power and Play ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

Kinuha bilang 46th overall draft pick ng Washington Wizards noong 2014, si Clarkson ay darating matapos ang impresibong season sa Jazz, kung saan may average siya na 20.8 points, 4.0 rebounds, at 4.4 assists sa 61 regular season games.