HINDI makakasama si Filipino-American NBA guard Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas sa pocket tournament nito sa China, na bahagi ng kanilang paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup.
Sa isang panayam sa News5, sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na hindi lalaro si Clarkson para sa Pilipinas sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament.
“He might just go straight to Manila,” pahayag ni Reyes patungkol sa Utah Jazz star.
Hindi rin lalaro si Barangay Ginebra guard Scottie Thompson sa torneo sa Guandong dahil patuloy pa siyang nagpapagaling mula sa injury na kanyang tinamo sa training camp ng Gilas sa Europe.
Nauna na ring kinumpirma na hindi rin makakasama si Kai Sotto sa koponan sa China dahil na nire-rehab niya ang back injury.
Ang 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament ay magsisimula sa Miyerkoles, kung saan makakaharap ng Pilipinas ang Iran at Senegal.
Ang Gilas at Iran ay nakatakdang sumabak sa FIBA World Cup, habang ang Senegal ay nagsasanay para sa 2024 FIBA Men’s Pre-Qualifying Olympic Qualifying Tournaments na magsisimula sa August 12.