CLAUDINE INAMIN NA MINURA NI JULIA; MARJORIE TINAWAG NA PATAY-GUTOM ANG SHOWBIZ MEDIA

HALATANG may tensyon sa hu­ling gabi ng burol ng ama ng Barretto sisters-reflectionGretchen, Marjorie and Claudine na si Mike Barretto. Pero mukhang behaved na sila bago man lang ilibing ang kanilang patriarch.

Nagkatsikahan kami saglit ni Claudine sa loob ng restroom ng Heritage Memorial Park tungkol sa kaganapan nu’ng second night ng wake.

Una naming tanong kay Claudine, if true ba na si Gretchen ang dahilan ng pagtatalo nila ni Marjorie nu’ng second night ng wake.

Tama raw pero bukod doon ikinagalit daw ni Marjorie ang pagda­ting ng isang staff from an entertainment online news sa wake. Akala raw ni Marjorie si Claudine ang nagpapunta sa staff doon sa wake at pati na sa ibang taga-media na dumating.

Kaugnay nito, may nag-post din sa FB na sinabi diumano ni Marjorie kay Claudine doon sa kanya na bakit pa raw niya pinapunta ang mga patay-gutom na ‘yan na maaaring ang tinutukoy ni Marjorie ay ang mga entertainment press.

Tinanong ko rin si Claudine if true ba na di­nuru-duro at tinulak-tulak daw siya ni Marjorie kaya na-provoke siya na sampalin ang kapatid?

Tumango rin si Claudine sa amin.

Pangatlo, if true rin ba na minura siya ni Julia ng dalawang beses at ano ang na-feel niya?

“Yes, ang na-feel ko? Nasaktan ako kasi parang anak ko mismo ‘yung gumawa sa akin noon, e,” malungkot na tugon ni Claudine.

Bata pa lang ang mga anak ni Marjorie noon ay parang mga tunay na anak na ang turing ni Claudine sa kanila.

Kinumusta rin namin si Claudine at ayon sa aktres, okey na raw siya. Bagaman, hindi pa raw talaga nagsi-sink sa isip niya na patay na ang kanyang ama.

Nu’ng tinanggal daw ang tubo sa katawan ng Daddy Mike niya, kinabukasan ay inilipat na sa regular room ang kanyang ama.

“Ginising ako ni Mommy, kasi doon ako natutulog, e. Sabi ni Mommy, ‘Wake up, kasi, I think you’re dad is not doing okey.’  So, e, ‘yun nga, ‘pagkagising ko sabi ko, ‘Dad, I love you so much.’

Tapos sabi niya, ‘I love you so much,’ (paos at hirap magsalita habang tumatango ang ulo na sabi ng Daddy ni Claudine sa kanya).  Tapos, nag-bathroom lang ako. Nag-flatline na siya.  Ayaw noon akong makita na makita siyang ganoon,” kwento ni Claudine.

Siya raw ang huling nakausap ng Daddy niya.

“Nandoon ako talaga. Hanggang sa huli. One day lang ako nag-absent sa kanya. Pero, on-duty ako talaga. Sabi ko doon sa mga anak ko, kailangan ko talaga ‘yung mga anak, kailangan ko talagang bantayan ‘yung mga magulang ko. So, balang araw alam nila na dapat ganyan kayo, honor your parents.”

May binilin daw ang Daddy niya sa kanya.

“Na magbati-bati, siyempre. ‘Yun naman, oo, sinabi ‘yun ng Daddy ko. Always. Sa lahat ng mga makausap niya, kapag tinanong talaga, ‘yun agad ang sinasabi niya. Tapos sabi ko, ‘Dad, ako nang bahala kay Mommy.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Dad?’ ‘I want to fly,’ sabi niya’ng ganoon. Fly. Just go on, fly.  Nu’ng sinabi niya na parang, it’s okey. It’s okey. Tapos sinabi niya, ‘I see the light.’ Tapos sabi ko, ‘Dad, what?’ ‘Light, light, light,’ guma-ganoon siya.  ‘Dad, I opened the light?’

Sabi ko, it’s morning?’ Kasi mga 12 something ‘yun, e. Tapos sabi niya, ‘Mama.’ Ayun, si Mommy na.”

After ng cremation, plano ni Clau na magpahinga. Baka raw magpunta siya sa Japan.

And for her Mommy Inday, siyempre raw nagpapaka-strong lang ang kanilang ina sa harap nila.

“Pero miss na miss niya si Daddy. Sixty one years, of togetherness. Saka bukas  (October 19) ‘yung talagang kasal nila, ‘yung civil,” lahad pa ni Clau.

Comments are closed.