TAHIMIK lang o walang reaksiyon si Claudine Barretto sa balitang seryoso na ang relasyon ng ex nitong si Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.
Ganito rin noon na tikom ang bibig ni Claudine nang unang may balitang girlfriend si Raymart na pinsan ni Congresswoman Loren Legarda, na si AC Legarda, executive ng Ayala Corporation.
Ang mahalaga kay Claudine, nananatiling ideal to sa kanilang mga anak si Raymart.
Apat na taon na nakarelasyon ni Raymart si AC.
Inakala raw ng mga taong nakapaligid sa kanila na sila na talaga ang magkakatuluyan kaya marami ang na-shock nang makipag-hiwalay si Raymart dito.
Nagsimula ang panlalamig ng relasyon nila nang bumalik sa trabaho si Raymart sa Ang Probinsyano. PILIPINO MIRROR BUZZ TEAM
Comments are closed.