CLEARING AT ASSESSMENT IKA-KASA NG AFP AT DND SA BATANGAS

Marceliano Teofilo

CAMP AGUINALDO– NAGHAHANDA na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang Philippine Air Force (PAF) para sa clearing operations sa mga lansangan at mga komunidad na nasalanta sanhi ng pagputok ng Taal Volcano.

Ayon kay Brig. Gen. Marciliano Teofilo, commander, AFP Joint Task Force Taal, matapos na ibaba ng Phivocs sa alert level 3 ang status ng bulkan at hinayaan nang  umuwi ang libo-libong evacuee ay sinimulan na ng PAF 355th Aviation Engineering Wing, kasama ang  CMOG PAF Personnel ang clearing operation.

Nabatid na inatasan ni Maj Gen Allen Paredes, Commanding General, Philippine Air Force  si Brig Gen Ralph L. Mamauag para i-deploy ang mga tauhan at assets ng 355th Aviation Engineering Wing para ayudahan ang JTG Taal sa massive clearing ope­rations sa Batangas para matulungan din ang mga nagbabalikang residente.

Pahayag naman ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang isinasagawang clearing operation sa mga nasa­lantang bayan ay bahagi ng isasagawang rehabilitation and recovery efforts ng pamahalaan para sa mamamayan ng Batangas.

Ayon kay Jalad, kasunod nito ang post disaster needs assessment. VERLIN RUIZ