COCO MARTIN WALANG PRESSURE SA MMFF COMPETITION, PROUD SA PELIKULA

Coco Martin

HINDI nape-pressure si Coco Martin  sa sinasabing kompetisyon sa takilya ng mgareflection pelikulang kasali sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Katwiran ni Coco, siya ang unang nakakita ng materyal ng latest entry niya sa MMFF na “3POL DOBOL Huli Ka Balbon” at happy siya sa naging resulta ng proyektong pinagbibidahan niya kung saan siya rin ang nag-direk, sumulat at nag-produce.

“Honestly, sobrang excited na excited ako. Kasi, everytime naman na gumagawa ako ng project ko, ng pelikula, ayoko kasi na nadi-disappoint ‘yung tao, ‘yung parang lolokohin mo sila sa promo, ‘di ba? Tapos, hindi ka proud after. Doon ako mas nine-nerbyos,” pahayag ni Coco sa prescon ng “3Pol Dobol Huli Ka Balbon.”

Kahit daw wala siyang co-producer na malaking film outfit sa “3Pol Dobol Huli Ka Balbon,” proud siya sa movie niya at ang hinihintay niya ay ang reaksyon ng mga nakapanood.

“Kasi, kumpyansa  kami sa proyekto, e, sa materyal namin. Kasi,  alam namin na ‘yung ginagawa naming pelikula, ang iniisip namin ‘yung mga mano­nood. Hindi para makipag-compete kahit sa kaninong pelikula.

“Honestly po, masaya kami and then, proud kami na, halos lahat ngayon na pelikula na kalahok sa MMFF ay lahat magaganda. Kumbaga, parang ang hinahandog natin ngayon sa mga tao  ay magandang pelikula. At,  alam naman po naming sa sarili namin na isa kami roon. Kaya sobra po kaming proud at hindi po kami nape-pressure para sa Metro Manila Filmfest.”

Aminado naman si Coco na ‘yung title ni AiAi delas Alas bilang Comedy Queen ang dahilan kung bakit niya naisip na mag-sama sila sa “3Pol Dobol.”

“Kasi nu’ng una sabi ko, naisip ko ‘yung project, ang iniisip ko na una, artista. ‘Yung inisip ko sa tao, ‘Sino pa ‘yung hindi ko pa nakakatrabaho?’ Kasi ako, mahilig ako sa combination, e.  ‘Yung  parang, kapag  pinanood ng mga tao, ‘Uy, talaga? Mapa-panood namin sila?’

“Kasi, katulad  niyan, magkaiba kami ng network. From, ABS to GMA, syempre insiip ko, kung mano­nood sila, ‘yung hindi pa nila nakikita o napapanood. Kaya noon talaga in-approach ko si  Mommy Ai. Sabi ko, ako talaga ‘yung parang nag-ano sa kanya,  nag-request sa kanya. Nagbigay ng kwento. Na parang may naisip ako’ng konsepto tungkol sa isang mag-nanay, ganyan-ganyan.

“And then after that, syempre, di ba kapag nakasama mo ang  princess ng GMA, ‘di ba? At isa sa pinakamaganda at pinakamagaling na artista. Kaya  nu’ng nilapitan ko si Jen, kasi, nakatrabaho ko na siya, e. Kumbaga, kilalang-kilala, alam ko na, alam ko ‘yung taong lalapitan ko.

“Saka, sabi ko,  aminin na natin,  syempre, in terms of business,  kailangan ko sila. Kaya ako talaga ‘yung lumapit sa kanila para hu­mingi ng tulong para mabuo ang pelikulang ‘to.  Tapos  talagang inaral  namin ang bawat  character kung sino  talaga ‘yung mga ilalagay namin dito.

“Kaya mapapansin ninyo, sabi ko nga, ako na napaka-sobra kong tinatanaw na utang na loob na pumayag si Sam na  makasama sa pelikulang ‘to. Kasi, Sam Milby ‘yan, honestly, nagda-dalawang-isip ako, e, ‘Papayag kaya si Sam na, this time, siya ‘yung  siya  ‘yung kalaban namin, ‘di ba? Siya ‘yung magko-kotrabida? ‘

“Sabi ko, ‘Sa gwapo ni Sam, parang,’ nagdalawang-isip talaga ako. Pero,  ‘yun nga na-surprise ako nu’ng inapproach ko siya, ‘yung management niya, hindi kami nag-dalawang balik para tanggapin niya  ‘yung project.

“Tapos, si Tito Joey (Marquez),si Tita Carmi. Tapos, lahat.  ‘Yung iba ring kasama ko, libre po ‘yan. Hahaha!

“Pero mapapansin ninyo lahat po ng mga pelikula ko, basta pakainin ko lang sila, okey na ‘yan. And then after that, doon namin binuo, ‘Ano’ng konseptong mabubuo namin kapag  pinagsama-sama po kami?’ Doon po nag-start ‘yung pelikula,” tuluy-tuloy na kwento ni Coco.

Bukod sa pagsasama-sama sa unang pagkakataon ng mga mga MMFF Box-Office stars na sina AiAi, Jennylyn at Coco, kasama rin for the first time sa “3Pol Dobol” sina Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo, Mark Lapid, Bianca Manalo, PJ Endrinal, Super Tekla, Boobsie Wonderland, Marc Solis, Lest Llansang, Donna Cariaga, Bernard Palanca at marami pang iba.

Comments are closed.