COLLEGE GRADUATE, NAG-TESDA, NAGKA-NEGOSYO, TRAINER PA!

TESDA

IBINAHAGI ni Flordeliza ‘Liz’  T. Diaz, mula Turac, San Carlos City, Pangasinan ang kanyang kuwento kung paano nabago ng Technical Education and Skills Development Authority-Pangasinan Technological Institute (TESDA- PTI), Binmaley, Pangasinan ang kanyang buhay. Sa pagkuha niya ng  technical-vocational programs,  nalagpasan n’ya ang lahat ng pagsubok sa buhay at sya’y naging matagumpay.

Flordeliza ‘Liz’ T. Diaz

Si Liz  ay nagtapos ng   Bachelor’s  Degree in Office Administration Major in Management  sa  Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology     (EARIST) sa Nagtahan, Manila.  Agad siyang nakapagtrabaho, subalit natigil sa loob ng apat na taon, kaya naisipan n’yang mag aral muli.  Pinayuhan siya ng kanyang kakilala na kumuha ng technical-vocational course ng TESDA at masu­werteng  nabigyan  ng  scholarship sa Virgen Milagrosa  University Foundation (VMUF)  – College of HRM sa San Carlos City, Pangasinan  sa kuwalipikasyong  Housekeeping NC II.    Pagka-graduate, agad siyang kinuha ng school  management bilang  Housekeeping Manager ng VMUF Alumni Center.  Nag-aral din si Liz  sa   Pangasinan Technological Institute  (PTI)  ng kursong Food Processing NC II noong 2015 at nagtapos na may karangalan.

Sa mga kaalaman at kasanayan na kanyang natutunan sa  lahat  nang  mga dinaluhan nitong   trainings at seminars, nakapagpatayo siya ng sari­ling negosyo, na pina­ngalanang “LIZ” Home Made Products.  Habang pinamamahalaan ang  kanyang negosyo, isa pang oportunidad ang  dumating kay Liz. Binigyan siya ng Pangasinan Technological Institute (PTI) ng scholarship sa Bread and Pastry Production NC II at Housekeeping NC III  noong  2016.

Sa kasalukuyan, si Liz  ay nagtatrabaho bilang  Instructor III sa VMUF Hospitality Management Department.   Siya’y nagtuturo ng Tourism Planning and Development, Total Quality Management, Food and Beverage Costing Services, Rooms Division and Cost Control sa kolehiyo, at Bartending NC II, Bread and Pastry Production NC II at  Cookery NC II sa senior high schools.

Bilang matagu­mpay na  tech-voc graduate, naparangalan siya bilang  1st Runner-up  sa Regional TESDA Idol 2017 at TESDA Regional Office- San Fernando La Union at TESDA Idol Provincial Awardee 2017, sa TESDA Lingayen, Pangasinan noong 2017.

Si Liz ay kumukuha  ngayon   ng kanyang   Master of Arts in Tourism Management sa Philippine Women’s University sa Maynila.

Ayon kay Liz, “TESDA has given me new hope and new beginning to continue my journey in life.”

Comments are closed.