NAGING Isang malaking inspirasyon para kay John Lloyd Cruz ang mataas na rating lagi at pagtanggap ng masa sa kanyang comedy show na “Happy Together” kaya mula sa weekly show ay nakatakda na ring gumawa ng pelikula si John Lloyd na masasabing comeback movie niya.
Kung ang dasal ng mga followers nina John Lloyd at Bea Alonzo na silang dalawa ang magtambal sa movie, no way dahil si Jasmine Curtis-Smith ang partner niya. Bukod sa pareho silang talent ng Crown Artist Management nina Maja Salvador at nobyong si Rambo Nuñez, mahusay talaga si Jasmine. Anyway, kahit hindi si Bea ang kapartner niya sa kanyang come-back movie, okay lang. In the future, baka naman magkakatambal din sila.
CALISTA, AIMING HIGH
SUPER bonggacious ang ginawang media launch kamakailan ng all female group na Calista o slang term ng ‘Call It A Star.’ Napakagarbo ng Music Video na ginawa ng grupo para sa kanilang kauna-unahang single na “Race Car”.
Hindi pa sila masyadong ‘alive’ sa entertainment industry pero sumugal na kanilang manager na si Tyrone James Escalante ng TEAM o Tyron Escalante Artist Management.
Ayon sa masipag na manager, unfinished business ang pagtatatag niya ng isang all female group. Sinubukan niya raw na magbuo noong una pero nag-fail. Pero nakatagpo niya ang Merlion Events Production at nabuo nila ang Calista.
Mula sa daan-daang, 6 na members lang ang natira. Sina Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elle, at Fiery Dain. Sa press launch, nagpamalas ang Calista ng kanilang sing and dance talent, at sulit na sulit ang training at workshop nila. World class ang kanilang performance. Pihadong kakabugin sa kanila ang mga all female groups from Korea. Pero sa kabila ng mga papuri ay nanatiling humble ang grupo.
Mapapanood ang kauna-unahang concert ng CALISTA na “Vax to Normal” na gaganapin sa April 26,2022 sa Smart Araneta Coliseum.
‘366’ NI BELA PADILLA STREAMING NA SA APRIL 22
HINDI nga makapaniwala hanggang sa ngayon ang aktress na si Bela Padilla na matutupad ang kanyang wish na maging direktora. Salamat sa Viva Films dahil streaming na pelikulang “366” sa April 22 sa Vivamax.
Bukod sa pagiging direktor, si Bela din ang direktor nito kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos. Aminado si Bela na sa sobrang tense at excited niya sa pagdidirehe ng movie ay sumablay siya sa first day shooting nila. Nakalimutan raw niyang sumigaw ng ‘Sound’ and ‘Camera’ at sa halip ay action agad.