COMMEMORATIVE COINS INILUNSAD

SA pagdiriwang ng ika-125 Independence Day ay isinabay ang paglulunsad at pagsasapubliko ng commemorative coins sa denominasyon na P100, P20 at P5.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa unveiling ng mga bagong coins katuwang si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla at mga opisyal ng BSP sa Ceremonial Hall sa Malacanang.

Ang P100 coin ay paggunita sa 1898 na deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Ang P20 coin ay sumasagisag sa kapanganakan ng unang republika ng bansa sa Barasoain Church sa Malolos City sa Bulacan.

Ang P5 coin ay sumisimbolo sa katapangan ng mga Pilipinong lumaban para sa soberenya ng Philippine – American war.

Ayon sa Punong Ehekutibo, nakatutulong ang mga commemorative coin na alalahain ang mga mahahalagang kaganapan sa bansa katulad ng 125th Independence Day.

“Sometimes we think of these commemorative coins, or this kind of commemorative remembrances of an event, in this case the 125th Independence Day of the Philippines as something to remind us of the day. But it is particularly significant when we do this via these coinages that we have created for the 125th Independence Day. Because in a very real sense, the establishment of a formal currency, like any country, is part of the definition of being a sovereign nation,” anang Pangulong Marcos.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang BSP sa paggamit ng “the best technology” sa digital printing dahil kahanga-hanga ang nasabing mga bagong barya na aniya’y walang katulad at “never seen coins like these before”.

“We have used the most modern technology, which also signifies that the Philippines is at that stage in its development. We are now at the forefront, and we’ll use the best technology, the best techniques, everything that is good and new to our country,” bahagi ng talumpati ni Pangulong ­Marcos.

-EVELYN QUIROZ