UMAASA ang isang ranking official ng minority bloc sa Kamara na ang panukalang P4.5 trillion 2021 national budget ay magsilbing tulay para maipagpatuloy ang buhay at hanapbuhay ng mga tao matapos ang matinding pinsala na ginawa ng COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, sinabi ni House Assistant Minority Leader at Marikina City 2nd Dist. Rep. Stella Quimbo na dapat ay 18 porsiyento ang itinaas ng panukalang badget para sa susunod na taon kumpara sa 2020 national budget na P4.1 trillion o sa halip na sa P4.5-T na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM),ay gawing hindi bababa sa P4.9-T ang proposed 2021 General Appropriations Act (GAA).
“The ARISE and CURES bills together propose a three year spending of 2.8 trillion pesos or roughly 900 billion pesos per year. Kaya kulang pa ang 9 percent increase ng GAA 2021. Base sa ARISE at CURES, dapat 18 percent ang increase in budget kung ito ang magiging plataporma para sa economic stimulus. Kaya kailangan ding masigurado natin na walang masasayang na pondo sa GAA 2021,” pahayag pa ng kongresista.
Ayon kay Quimbo, ang key word para sa 2021 GAA ay ‘connect’ una, dahil sa bitin umano ang Bayanihan 2, kailangang punuan ang economic stimulus funds upang maikonekta sa pre-COVID at post-COVID worlds.
Pangalawa ay dapat aniyang maging sapat ang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon para sa ‘connectivity’ programs, na hindi lamang tungkol sa road projects, kundi maging sa pangangailangan sa internet connectivity lalo na sa public schools.
“Bago mag-COVID, only 25 percent of all public schools have internet access. Dapat tugunan Ito ng GAA 2021. Third, the GAA 2021 should be the bridge that connects the past and the future. Now is the time to discard old and inefficient ways and use this opportunity for a better normal. Reforms such as the use of digital platforms for disbursements of social assistance must be supported,” sabi ni Quimbo
Binigyan-diin ng lady solon na mahalagang mai-reconnect ang displaced workers sa ekonomiya, partikular ang pagbibigay ng pamahalaan ng sapat na unemployment assistance, pati na rin ng suporta sa job creation.
Kaya naman nakukulangan si Quimbo sa P4.506 trillion na panukalang 2021 national budget, kasama na ang iminumungkahing kabuuang pondo na ilalaan para sa Department of Laboe and Employment (DOLE) bunsod na rin ng napakaraming displaced workers sa ngayon.
“Ayon sa SWS survey, 27 million na ang jobless. Ang DOLE ay inaasahan sa pagbigay ng unemployment assistance, pero ang proposed budget para sa TUPAD ay sapat lamang para sa one-time assistance ng 2 million displaced workers. Moreover, wage subsidies are needed to preserve remaining jobs – targeted, for example, to companies that need to implement double shifting to allow compliance with social distancing – amounting to as much as 55 billion pesos,” ani Quimbo.
“Ang DTI naman, na inaasahan nating tutulong sa mga nagsarahan o malapit nang masara na mga negosyo, ni wala sila sa top 10 pagdating sa budget. Mga 4.4-B lamang ang allocation nila para sa kanilang programs – enough to help only 145k of our millions of MSMEs,” dagdag pa ng kongresista. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.