PINAHAHALAGAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kontribusyon ng akademya sa pagsulong at pagpapaunlad ng mga kababaihan sa sports na may espesyal na webisode ng ‘Rise Up, Shape Up’ na magtatampok sa mga guro at coach ng Physical Education ngayong Sabado, Marso 26.
Ang episode na “Women Wielding Influence and Motivation in PE Classes and School Playing Fields” ay tatampukan ni Dr. Lumna Trinidad ng Tarlac State University, at mga gurong coach na sina Marissa Austria, Stephanie Pagarigan at Anne Daphien Baisa sa alas-7 ng gabi.
Ibabahagi ni Dr. Lumna ang kanyang mga personal na karanasan sa pagsali sa sports sa murang edad at kung paano niya nagamit ang kanyang kasanayan sa sports.
Samantala, si Austria ay isang Master Teacher II at MAPEH coordinator sa Las Piñas East National High School at dating Philippine Normal University (PNU) at kinatawan ang bansa sa ilang mga internasyonal na kompetisyon mula 1996 hanggang 1998.
Sa kasalukuyan, siya ay isang continental judge sa World Archery Asia at naging bahagi ng officiating noong 2019 Southeast Asian Games. Ibabahagi ni Austria ang kanyang mga saloobin at pananaw sa pag-impluwensiya at pagganyak sa mga bata na maging mga kampeon sa palakasan at buhay
Sa kabilang banda, magsasalita sina coach Pagarigan at coach Baisa tungkol sa Art of Planning and Establishing Influence among Players at ibabahagi ang kahalagahan ng sports sa pagbuo ng life skills.
“Sa pamamagitan ng impluwensiya ng aming mga guro at coach, naiintindihan namin na ang sports ay talagang isang tool sa pagbuo ng athleticism, malusog na kompetisyon, at sports mindedness na maaaring gamitin ng mga bata sa pagpapabuti ng kalidad ng kanilang buhay,” wika ni PSC Women in Sports oversight commissioner Celia Kiram.
Ilalahad din ng lady commissioner ang kasaysayan ng Physical Education sa kanyang regular na segment na K-Isport
vvv
Welcome sa PBA ang bagong team na Converge na siyang nakabili ng prangkisa ng Alaska Aces. Ang Converge ay pag-aari ni Dennis Uy.
Ilang players lamang ng Aces ang maaaring kunin ng bagong team alinsunod sa regulations ng liga. Ang ibang manlalaro ay dadaan sa dispersla draft. Good luck!