MABABA sa 500 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Base sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang Martes, Marso 8 ay nasa 442 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 3,668,710 ang confirmed cases ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 47,867 o 1.3 porsiyento ang aktibong kaso.
Samantala, nasa 57,072 o 1.6 porsiyento naman ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,563,771 na o 97.1 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.