COVID-19 CASES, 849 NA LANG

NASA 849 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Nobyembre 16, pumalo na sa 2,819,341 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,464 o 0.9 porsiyento ang aktibong kaso.

59.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.9 porsiyento ang asymptomatic; 18.61 porsyento ang moderate; 11.5 porsiyento ang severe habang 4.9 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 99 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 45,808 o 1.62 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,393 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,748,069 o 97.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.