MULA sa 10,775 kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa araw ng Miyerkoles, halos doble ang bagong napaulat na kaso sa araw ng Huwebes, Enero 6.
Nasa 17,220 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Huwebes ng hapon, pumalo na sa 2,888,917 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 56,561 o 2.0 porsyento ang aktibong kaso.
1,837 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 49,988 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,954 ang moderate, 1,470 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon pa sa DOH, nasa 81 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 51,743 o 1.79 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Iniulat naman ang paggaling ng 616 pasyente sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,780,613 o 96.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.