INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 434,357 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases ang naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala pa sila ng 1,438 na bagong kaso ng COVID-19 hanggang 4PM nitong Disyembre 2.
Nabatid na kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Ilocos Norte na may 84 new cases, Manila na may 61 new cases, Quezon na may 55 new cases, Laguna na may 50 new cases, at Negros Occidental na may 47 new cases.
May naitala lamang 232 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.
Dahil rito, umabot na sa 399,005 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
Samantala, mayroon namang 18 na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 8 436 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.