APRUBADO ng nakararaming mga Filipino ang mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 92% ng mga Filipino ang pabor sa COVID-19 response ng Pangulo.
Sa naturang bilang, 62% ang ‘truly approved’ sa COVID-19 response ng pamahalaan habang 30% naman ang bahagyang pumapabor o ‘somewhat approve’ sa aksyon ng gobyerno.
Nasa 5% naman ang hindi tiyak kung kuntento ba sila sa COVID-19 action ni Pangulo Duterte at 3% naman ang hindi pumapabor sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Ang naturang survey ay isinagawa mula noong ika-14 hanggang ika-20 ng Setyembre sa 1,200 mga Filipino. DWIZ882
Comments are closed.