UMAABOT na sa 9,686 ang kabuuang coronavirus disease 2019 COVID-19 recoveries sa bansa habang may 1,244 ang bilang ng mga nasawi.
Batay sa case bulletin no. 106 ng Department of Health hanggang alas- 4 ng hapon ng Hunyo 28 ay nakapagtala ng karagdagan pang 258 pasyente na nakarekober mula sa sakit sanhi upang umakyat na sa 9,686 ang COVID-19 recoveries sa bansa.
Ayon sa DOH, may walo rin silang naitalang nasawi dahil sa sakit, sanhi upang umabot na sa kabuuang 1,244 ang COVID-19 death toll rito.
Sa mga nasawing ito, lima ang namatay noon pang Hunyo 13 hanggang 22 ngunit ngayon lamang na-validate ng kagawaran.
Samantala, umakyat na sa kabuuang 35,455 ang bilang ng naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa case bulletin no. 106 ng DOH, hanggang alas- 4 ng hapon ng Hunyo 28 ay nakapagtala pa sila ng 653 na karagdagan pang kaso.
“As of 4PM today, June 28, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 35,455,” anang DOH.
Sa mga bagong bilang na ito, 485 ang fresh cases at 168 naman ang late cases. Sa mga fresh cases, 245 ang naitala sa National Capital Region (NCR); 120 sa Region 7; 112 mula sa iba pang lugar sa bansa at walo naman mula sa hanay ng repatriates.
Samantala, sa late cases naman, 111 ang mula sa NCR; 11 mula sa Region 7; 25 mula sa iba pang lugar sa bansa at 21 naman mula sa hanay ng repatriates.
Nabatid na may dalawa namang nadobleng recoveries ang inalis ng DOH mula sa kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa habang may isa naman ang inalis mula sa kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa matapos matukoy na nagkaroon ng duplikasyon.
Inaasahan namang magbabago pa ang mga naturang bilang dahil sa patuloy na pagsasagawa ng DOH ng balidasyon hinggil sa mga naitatalang kaso ng nakamamatay na sakit. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.