COVID-19 SANHI RIN NG STROKE AT BLOOD CLOT? – DOH

Maria Rosario Vergeire

MAYNILA-PINAG-AARALAN na rin ngayon ng Department of Health (DOH) ang ulat na umano’y nagdudulot rin ng stroke at blood clot ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, katuwang ang Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, ay pinag-aaralan na ng DOH ang posibilidad na nagdudulot ng stroke o blood clotting ang virus.

Aniya pa, lasama rin  sa pinag-aaralan nila ay ang sinasabing maaaring sintomas rin ng COVID-19 ang pagkakaroon ng skin rashes.

Sinabi ni Vergeire na sa oras na matapos ang pangangalap nila ng mga karagdagang ebidensya ay maglalabas sila ng mga bagong rekomendasyon at guidelines patungkol sa COVID-19.

Ipinaliwanag pa ni Vergeire na ang COVID-19 ay isang evolving disease at bawat araw ay may bagong natutuklasan patungkol sa virus na ito. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.