PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang la hat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na bawal silang tumanggap ng regalo, lalo na ngayong Christmas season.
Mula sa pahina 8
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, tatlong batas ang nagbabawal sa pagtanggap at/o paghingi ng sinumang kawani ng gobyerno ng regalo, serbisyo at pabor sa publiko.
Aniya, sa ilalim ng Presidential Decree no. 46, “it is believed necessary to put more teeth to existing laws and regulations to wipe out all conceivable forms of graft and corruption in the public service, the members of which should not only be honest but above suspicion and reproach.”
Ipinagbabawal ng Republic Acts 6713 at 3019 ang “directly or indirectly requesting or receiving any gift, present, share, percentage, or benefit, for himself or for any other person, in connection with any contract or transaction between the Government and any other part, wherein the public officer in his official capacity has to intervene under the law.”
Hinikayat ni Lizada ang heads ng mga ahensiya ng pamahalaan na maging magandang halimbawa sa kanilang mga empleyado.
Bukod sa pagtanggap ng mga regalo ay ipinagbabawal din ang anumang anyo ng pagso-solicit.