Yung napadaan ka sa Booksale at nakakita ka ng murang interior design magazine kaya binili mo, at pagdating mo sa bahay, habang tinitingnan mo ang mga glossy pages nito, nakita mo ang sarili mong living space at napabuntong-hininga ka na lamang. Nakakainis! Kelan ka kaya magkakaroon ng ganyang kagandang living room?
Sino naman ang ayaw tumira sa magandang bahay? Kaya lang, mahal. Wala sa badyet. Unahin mo pa ba ‘yan kaysa pagkain at iba pang gastusin sa bahay? Pero kung pwede mong i-transform ang bahay mo — pagandahin into a chic sanctuary na hindi ka gagastos ng malaki, why not, di ba? Pwede namang DIY home decor projects on a budget na magaan sa bulsa at maganda sa paningin.
Bago ang lahat, umisip ka muna ng strategy. Aling space ba ang uunahin mo? Living room ba o bedroom? Huwag sabay-sabay dahil lalo kang walang matatapos.
Pag decided ka na, mag-set ka ng realistic budget na hindi makaaapekto sa household budget.
Tingnan mo kung may mga bagay sa bahay na pwede pang pakinabangan. Halimbawa, bote ng alak na itatapon na sana pero pwede palang gawing flower vase, o kaya naman, lumang maletang pwedeng gawing coffee table o bedside table.
Breathe new energy sa lumang furnitures sa bahay mo. Pwedeng magpa-reupholster o kaya naman, pagawan
mo ng bagong seat cover. Pwede ring papinturahan mo na lang — depende kung ano ang style ng bahay mo.
Magkaroon ka ng DIY spirit. Gawa ka na lang ng mga throwpillows — gamit ang mga
lumang damit sa ukay-ukay. Minsan kasi, napakamura lang talaga ng mga damit sa ukay-ukay pero hindi naman bagay sa iyo, pero pwedeng gawing seatcover o kaya naman, throw pillow. Kasi naman, pwede talagang magpaganda ng bahay — gawin itong cute — sa murang halaga.
Nenet L. Villafania