Mga laro ngayon:
(Ynares Center)
4:30 p.m. – Keanzel vs Marinero-San Beda
7:30 p.m. – Go Torrakku-St. Clare vs EcoOil-DLSU
MAKAKAHARAP ng defending champion EcoOil-DLSU ang Go Torakku-St. Clare habang susubukan ng Marinerong Pilipino-San Beda ang lakas ng neophyte Keanzel Basketball sa ikalawang araw ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.
Galing sa conference opening wins, sisikapin ng dalawang title favorites na makaulit at mapanatili ang joint leadership sa six-team field, simula sa bakbakan ng Red Lions clash at debuting Keanzel sa alas-4:30 ng hapon.
Sa alas-7:30 ng gabi, ang Green Archers ay muling pinapaboran kontra Saints.
Ang parehong UAAP champion La Salle at NCAA titlist San Beda ay magaan na nagwagi sa kanilang D-League debuts kontra CCI-Yengskivel, 110-68, at Go Torakku-St. Clare, 92-59, ayon sa pagkakasunod. Subalit walang garantiya na mauulit nila ang one-sided victories.
“Keanzel is also a newcomer so wala ulit kaming idea but again, like last game, we will treat our opponent with respect. Ganoon naman ang mindset namin every game,” sabi ni Red Lions mentor Yuri Escueta sa koponan na binubuo ng core mula sa AMA Online Education ni Mark Herrera.
Sumandal ang Green Archers kina guard Penny Estacio, Yukien Andrada, Jomel Puno at NCAA Season 99 Finals MVP James Payosing.
Wala ring plano ang EcoOil-DLSU, na sumandig sa kanilang scattered attack sa pagkawala ni reigning D-League at UAAP MVP Kevin Quiambao, na magkampante dahil inaasahan ang pagresbak ng Go Torakku-St. Clare.
“Last year, we had a tough time against St. Clare and it’s a different tournament this time. I know they’re capable of pulling upsets,” wika ni deputy Caloy Garcia kung saan pinangunahan ng core nina Jonnel Policarpio, CJ Austria, Mike Phillips at Earl Abadam ang 42-point win kontra CCI-Yengskivel.
“They have a great import and a great coach (Jinino Manansala). Probably, naunahan lang sila ng San Beda but we know how dangerous St. Clare is. We have to prepare.”
CLYDE MARIANO