Standings W L
Marinero* 4 1
Apex Fuel* 4 1
Wangs 3 1
EcoOil* 4 2
Adalem* 3 3
CEU 2 3
Builders 1 4
AMAx 0 6
* – assured of playoff spot
x – eliminated
Mga laro bukas:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1 p.m. – Wangs Basketball @26-Letran vs CEU
11 a.m. – Builders Warehouse-UST vs Marinerong Pilipino
NAITALA ng EcoOil-La Salle ang back-to-back wins sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup makaraang pataubin ang Adalem Construction-St. Clare, 72-69, kahapon sa Araneta Coliseum.
Isinalpak ni Kevin Quiambao ang go-ahead jumper, may 9.3 segundo ang nalalabi, bago selyuhan ng split mula sa line sa huling 5.4 segundo ang kanyang 18-point, 8-rebound, at 6-assist performance.
“Instinct ko na lang noong huli to take over. God-willing na-shoot naman,” sabi ng incoming rookie.
Nag-ambag si Joaqui Manuel ng 11 points, 4 boards, 2 assists, at 2 steals, habang kumubra si CJ Austria ng 10 points, 5 rebounds, at 3 steals upang itulak ang Green Archers sa playoffs na may 4-2 kartada.
“We’re tired but this game is very important for both teams. At least nakaangat kami sa quarters,” said coach Derick Pumaren.
Sa unang laro, tinambakan ng Builders Warehouse-UST ang wala pang panalong AMA Online, 150-79.
Nakakolekta si Sherwin Concepcion ng 14 points, 14 rebounds, at 10 assists upang itala ang kanyang 10th triple-double sa liga.
Kumana si Nic Cabanero ng 19 points, 5 boards, 2 assists, 2 steals, at 2 blocks para sa UST na may walong players na umiskor ng double figures upang putulin ang kanilang four-game skid.
“Napakasarap,” wika ni interim coach Albert Alocillo. “Credit ito lahat sa mga bata because they worked so hard at unti-unti, nakakapag-adjust na sila.”
Ang 71-point win para sa Builders Warehouse-UST ang second-highest winning margin sa PBA D-League, sa likod ng Tanduay na tinambakan ang Zark’s Burgers ng 76 points, 141-65, noong July 10, 2017.
Iskor:
Unang laro:
Builders Warehouse-UST (150) – Cabanero 19, Wilson 18, Crisostomo 15, Concepcion 14, Manaytay 13, Baclaan 11, Herrera 10, Mantua 10, Pangilinan 9, Gesalem 9, Santos 7, Escobido 6, Stevens 4, Manalang 3, Canoy 2.
AMA (79) — Pineda 13, Baclig 13, D. Cruz 11, Malones 7, Villamor 6, Kapunan 5, De Vera 5, Gile 5, Camay 3, Yambao 3, Palana 3, K. Cruz 2, Ceniza 2, R. Cruz 1, Fuentes 0.
QS: 36-20, 72-34, 117-60, 150-79.
Ikalawang laro:
EcoOil-La Salle (72) — Quiambao 18, Manuel 11, Austria 10, Buensalida 9, Macalalag 6, Cortez 6, Estacio 5, Abadam 4, Nwankwo 3, Alao 0.
Adalem-St. Clare (69) – Fontanilla 14, Sablan 12, Manacho 10, Rojas 10, Estacio 6, Gamboa 6, Estrada 4, Sumagaysay 3, Ndong 2, Lopez 2, Tapenio 0.
QS: 16-13, 30-35, 51-52, 72-69