D-LEAGUE: MATIRA ANG MATIBAY

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
Game 3, Best-of-3 Semifinals
11 a.m. – EcoOil-La Salle vs Adalem Construction-St. Clare
1 p.m. – Marinerong Pilipino vs Apex Fuel-San Sebastian

MATIRA ang matibay sa 2022 PBA D-League Aspirants Cup semifinals series sa pag-arangkada ng Game 3 ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Magsasagupa ang EcoOil-La Salle at Adalem Construction-St. Clare sa alas-11 ng umaga habang magsasalpukan ang ,Marinerong Pilipino at Apex Fuel-San Sebastian sa ala-1 ng hapon.

Bumawi ang Saints sa Game 2 sa pagposte ng 72-64 panalo kontra Green Archers sa likod ng hot shooting nina Johnsherick Estrada at Joshua Fontanilla — at two-man power trip na sasandalan ni coach Jinino Manansala.

Gayunman ay nananatiling paborito ang EcoOil-La Salle dahil ang two-seed crew ay determinadong bumawi sa likod ng frontline combo nina Kevin Quiambao at Michael Phillips.

Nakabantay naman si coach Derick Pumaren dahil inaasahan niyang gaganti sina Schonny Winston at Evan Nelle, at sinabing, “We can’t be complacent. We have to respect St. Clare because they’re still a champion team.”

Samantala, nabigo ang Skippers na tapusin ang best-of-three series sa kabila ng 28-point night ni Jollo Go at ang near-triple-double effort ni Juan Gomez de Liano.

Ito ang hamon na inilatag ni coach Yong Garcia sa kanyang tropa dahil kailangang patunayan ng Marinerong Pilipino na ang kanilang posisyon bilang top contender bago ang season ay hindi isang hype.

“Kailangan naming kunin. Hindi naman naipapanalo ‘yung championship sa papel so kailangan naming patunayan ‘yung inaasahan ng mga tao sa amin.”