D-LEAGUE: OUTRIGHT SEMIS TARGET NG RED LIONS

PBA D LEAGUE

Standings W L
Marinero-San Beda 3 1
EcoOil-DLSU 3 1
CEU 2 1
Perpetual 2 2
PSP 2 2
Wang’s-Letran 0 2
AMA Online 0 3

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – AMA Online vs Marinero-San Beda
4 p.m. – Wang’s-Letran vs PSP

PUNTIRYA ng Marinerong Pilipino-San Beda ang isang playoff ticket sa pagsagupa sa wala pang panalong AMA Online sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Filoil EcoOil Centre.

Inaasahan ang magaan na panalo ng Red Lions sa 2 p.m.duel sa Titans.

Target ng Philippine Sports Performance ang ikalawang sunod na panalo kontra Wang’s Basketball @27 Striker-Letran sa isa pang laro sa alas-4 ng hapon para mapalakas ang kanilang kampanya para sa quarterfinals berth.

Ang Marinero-San Beda ay kasalukuyang nasa ibabaw ng standings kasalo ang walang larong EcoOil-La Salle sa 3-1 records subalit makukuha ang Top 2 finish at ang outright spot sa semifinals sa panalo.

Matapos ang stunning loss sa baguhang Gymers sa pagsisimula ng kanilang kampanya, ang Red Lions ay nanalo ng tatlong sunod na may average margin na 2.7 points.

“These are the teams and games we want to play kaya kami sumali sa D-League. Every game is tough and it could have gone either way so the learning never stops for us,” sabi ni coach Yuri Escueta makaraang maungusan ng

Marinero-San Beda ang University of Perpetual Help System Dalta, 66-64.

“We still have a lot of things to correct. We’ll take it one game at a time. Malayo pa but ang importante ay yung mindset namin every game.”

Nanalasa si Jacob Cortez kontra Altas, kung saan nagpakawala ang anak ni dating PBA guard Mark ng 34 points upang pangunahan ang Red Lions.

Samantala, hangad ng AMA na makapasok sa win column matapos ang tatlong sunod na talo.

Gigil na rin ang Knights na makapasok sa win column, kung saan sinisikap ni bagong coach Rensy Bajar na alamin kung paano makakakawala sa slump.

“We have to rely on our defense. We should be disciplined and hungry to win,” ani Bajar.

Sa kabila ng pagkatalo ng Wang’s-Letran laban sa Marinero-San Beda at Centro Escolar University, walang plano ang PSP na magkampante laban sa katunggali.

“Letran ‘yan, champion team sa NCAA, so dapat handa kami,” sabi ni deputy coach Jonathan Macaranas kung saan target ng Gymers na umangat sa 2-2 record.