Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
Game 3, Best-of-3 Semifinals
9 a.m. – Marinerong Pilipino vs Apex Fuel-San Sebastian
11 a.m. – EcoOil-La Salle vs Adalem Construction-St. Clare
BUHAY pa ang Adalem Construction-St. Clare at ang Apex Fuel-San Sebastian sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals nang malusutan ang kani-kanilang katunggali kahapon sa Araneta Coliseum.
Siniguro nina Johnsherick Estrada at Joshua Fontanilla na maipuwersa ng Saints ang winner-take-all Game 3 nang gapiin ang EcoOil-La Salle, 72-64.
Nag-init din si Ichie Altamirano sa huling 5:29 upang kunin ng Golden Stags ang 82-74 panalo laban sa Marinerong Pilipino.
Naitala ni Estrada ang 11 sa kanyang 22 points sa fourth quarter, at nakalikom ng 6 rebounds, 3 assists, 2 blocks, at 1 steal, habang kumubra si Fontanilla ng 21 points, pito sa final canto, na sinamahan ng 3 boards, isang steal, at isang rejection para pangunahan ang Adalem-St. Clare.
“Alam namin na tatapusin ni Josh and Estrada ‘yung game, pero dapat lahat ‘yan magsimula sa depensa,” sabi ni Saints coach Jinino Manansala.
Kumalawit din si Senegalese center Babacar Ndong ng 15 rebounds at nalusutan ng kanyang tropa ang 23-point third quarter fightback ng Green Archers.
Samantala, naitala ni Altamirano ang walo sa kanyang 13 points sa crucial stretch, na sinamahan ng 4 rebounds at 4 assists nang burahin ng Apex Fuel-San Sebastian ang 71-68 deficit upang kunin ang 78-71 bentahe, may 2:07 sa orasan.
“The effort, palaging nasa kanila. When you work hard, good things will happen,” sabi ni coach Egay Macaraya.
Nanguna si Romel Calahat para sa Golden Stags na may double-double na 15 points at 10 boards, nakakolekta si Jesse Sumoda ng 14 points, 8 rebounds, at 3 steals, at nagtala sina Alex Desoyo at Rafael Are ng pinagsamang 20 sa panalo upang makaganti sa Skippers makaraang mabigo sa eliminations, 86-74, at sa Game 1 noong Biyernes, 74-66.
Ang dalawang sudden deaths ay nakatakda sa Miyerkoles sa parehong venue.
Nanguna si Ben Phillips para sa EcoOil-La Salle na may 15 points at 6 rebounds, habang nalimitahan si Kevin Quiambao sa siyam na puntos lamang, 4 steals, 3 boards, at 3 assists sa pagkatalo.
Iskor:
Unang laro:
Adalem-St. Clare (72) — Estrada 22, Fontanilla 21, Rojas 9, Estacio 6, Sablan 5, Galang 5, Ndong 2, Lopez 2, Gamboa 0, Sumagaysay 0, Manacho 0.
EcoOil-La Salle (64) — B. Phillips 15, Quiambao 9, Nelle 8, M. Phillips 8, Nwankwo 8, Austria 6, Winston 5, Escandor 3, Estacio 2, Blanco 0.
QS: 14-19, 34-29, 51-52, 72-64.
Ikalawang laro:
Apex Fuel-San Sebastian (82) — Calahat 15, Sumoda 14, Altamirano 13, Desoyo 10, Are 10, Felebrico 8, Villapando 6, Escobido 4, Yambing 2, Cosari 0, Shanoda 0, Suico 0, Garcia 0.
Marinerong Pilipino (74) — Go 28, Gomez de Liano 11, Nocum 10, Agustin 9, Gamboa 7, Carino 4, Manlangit 3, Pido 2, Bonifacio 0, Soberano 0, Bonsubre 0, Garcia 0.
QS: 16-11, 35-34, 60-58, 82-74.