D-LEAGUE: TIP, ST. CLARE SA SEMIS

PBA D-League

Mga laro sa Huwebes:

(Ynares Sports Arena, Pasig)

Game 1, of Best-of-3 Semis

1:30 p.m. – CEU vs BRT Sumisip Basilan-St. Clare

3:30 p.m. – Marinerong Pilipino vs TIP

DINISPATSA ng Technological Institute of the Philippines ang Black Mamba, 82-71, sa 2019 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals kahapon sa Paco Arena.

Pinangunahan ni Papa Ndiaye ang Engineers na may 22 points at 9  rebounds, habang nag-ambag si Re Mesa ng 12 points, 4 rebounds, at 3 assists, at gumawa si Bryan Santos ng 10 markers para sa Engineers.

Sa panalo ay kinumpleto ng TIP ang ‘Final 4’ cast.

Makakasagupa ng Engineers sa best-of-three semis ang Marinerong Pilipino na nagkataong partner nila sa 2018 Foundation Cup. Ang pagsasanib-puwersa nila ay nagresulta sa semis trip.

Sa unang laro ay magaan na ibinasura ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang Hyperwash, 180-117, upang umusad sa semifinals.

Tumapos si Cris Dumapig na may double-double 21 points at 12 rebounds upang pangunahan ang Saints sa panalo na nagtala ng kasaysayan sa developmental league.

.Ang 180-point output ng St. Clare ang pinakamataas na naitala kung saan nahigitan nito ang 161 points na kinamada rin nito noong nakaraang Set. 2 sa 161-122 paggapi sa Black Mamba Energy Drink.

Iskor:

BRT Sumisip-St. Clare (180)  – Dumapig 21, Manacho 18, Bautista 18, Penaredondo 17, Hallare 14, Fontanilla 13, Tiquia 12, Santos 12, Rubio 11, Decano 11, Gabo 10, Pare 10, Collado 9, Batino 4.

Hyperwash (117) – Cawaling 27, Dadjilul 18, Casajeros 10, Fortuna 9, Mirza 5, Bringas 5, Ferrer 5, Buenafe 5, Penaflor 5, Jumaoas 4, De Ocampo 2, Cariaga 0, Julkipli 0.

QS: 28-15, 72-51, 132-87, 180-117.

Ikalawang laro:

TIP (82) – Ndiaye 22, De Mesa 12, B. Santos 10, Daguro 9, Carurucan 8, Tumalip 6, Bonsubre 5, Cenal 5, Alattica 3, Sandagon 2, Pinca 0, I. Santos 0.

Black Mamba (71) – Robles 21, Caranguian 17, Derige 8, Terso 7, Vidal 5, Gadon 4, Medina 3, Bolos 2, Balucanag 2, Castro 2, Sison 0, Vitug 0.

QS: 17-10, 30-23, 52-49, 82-71.

Comments are closed.