Mga laro bukas:
(Paco Arena)
4 p.m. – Santa Rosa vs Cignal
6 p.m. – Cotabato vs VNS
WINALIS ng baguhang D’ Navigators ang Air Force, 25-21, 25-23, 25-19, sa Sa Spikers’ Turf kahapon sa Paco Arena.
Sa kanyang ikalawang conference sa liga, kuminang si Jade Disquitado para sa Iloilo-based squad, kung saan ang dating Santa Rosa standout ay may 14-of-28 mula sa attacks, na sinamahan ng 7 receptions at 6 digs.
Ikinatuwa ni D’ Navigators coach John Kenneth Panes ang kanyang nakita sa season debut ng kanyang koponan
“Credit sa mga players namin kasi syempre naglaro sila nang maayos at nakikinig naman. Kahit paano sa first game namin nanalo, kaunting adjustment tapos yung next game naman,” sabi ni Panes.
“Sabi ko lang tandaan na beterano yung kalaban nila, sila mas bata, mas kundisyon sabi ko alam niyo na ano ang advantage natin,” dagdag pa niya.
Nanguna si skipper Jerome Cordez para sa D’Navigators na may 15 points habang nagdagdag si Mfena Gwaza ng 11 points, kabilang ang 4 blocks.