UMAASA si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na kabilang sa magiging pangunahing prayoridad ng susunod na administrasyon ang sektor ng agrikultura.
Ginawa ni Dar ang pahayag sa harap ng pangunguna ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa partial at unofficial tallies ng Commission on Elections (Comelec).
“I believe that the next administration will have that political will, that ability to give the topmost priority or one of the topmost priority areas that is the sector of agriculture and budget for would be at the level of double of the present or tripling the present budget of the Department of Agriculture,” sabi ni Dar.
Hinikayat din ni Dar ang publiko na suportahan ang president-elect sa patuloy na paghahangad ng katatagan sa kabila ng napipintong krisis sa pagkain.
“We must unite and support the presidency of Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” aniya.
Samantala, sinabi ng kalihim na ang isa sa slogans ni Marcos na P20 price ay viable lamang sa palay.
“I surmise that the P20 per kilo is for palay, not for rice, so we have a present farmgate price of palay at P19, so increasing that to PHP20 is very viable,” ani Dar. PNA