(DA nanawagan sa publiko) KADIWA PRODUCTS TANGKILIKIN

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na suportahan ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores na tatakbo sa ilang lugar sa Metro Manila hanggang sa susunod na linggo.

Ayon sa DA, ang KNP ay bukas sa iba’t ibang lugar mula Marso 18 hanggang 27.

Sinabi ng ahensiya na ang KNP ang inisyatibo ng gobyerno para matulungan ang mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng rent-free selling areas.

Nauna rito ay tumulong ang DA sa pagbebenta ng mahigit 160 tonelada ng highland vegetables sa pamamagitan ng Kadiwa Veggie Connect at iba pang market linkage programs.

Ang Cordillera Association of Regional Executives ay nakipagtulungan sa DA para sa Kadiwa Veggie Connect upang tulungan ang ahensiya na mabantayan ang supply at volume ng unsold vegetables.