DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS

ILANG brand ng Noche Buena products ang nakatakdang mag- taas ng presyo at may ilan din namang may bawas-presyo.

Napag-alaman na kabilang sa mga may dagdag-presyo  ang mga brand ng ham, pasta, fruit cocktail, tomato sauce at iba pang condiment o pampalasa.

Nasa 5 porsiyento ang itataas ng presyo ng ilang brand ng ham.

Ayon kay Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Groceries Association, nasa hanggang 16 porsiyento naman ang itatapyas sa presyo ng ilang brand.

Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) sa susunod na linggo ang listahan ng Noche Buena products.

Sa datos ng DTI, sa 191 Noche Buena items na mino-monitor ng ahensiya ay 21 ang may bawas-presyo, 94 ang hindi gagalaw habang 76 ang may dagdag-presyo.

Ang mga walang price increase at magbababa lang ng presyo ang ilalabas na listahan ng DTI.