APRUBADO na sa House Ways and Means at Appropriations Committees ang panukalang naglalayong magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga single parent.
Ayon sa mga mambabatas, ito ang magiging kasagutan sa kapos at mababang benepisyong natatanggap ng mga single parent sa ilalim ng kasalukuyang RA 8972.
Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na umaasa silang ito na ang tutugon sa mga pasaning problema ng mga single parent sa bansa.
Kabilang sa mga ipinanukalang bagong benepisyo ay ang pagkakaroon ng 10% diskuwento at exemption sa VAT sa mga pan-gangailangan ng mga bata gaya ng damit, vitamins, gamot, school supplies, at iba pa.
Bukod pa riyan, inatasan din ang ilang ahensiya ng pamahalaan na iprayoridad ang mga single parent at kanilang mga anak sa livelihood at education programs.
Samantala, ayon sa Gabriela, kanilang ipagpapatuloy ang konsultasyon sa samahan ng mga single par-ents para malaman kung ano-ano pa ang mga maaaring maitulong sa mga ito. DWIZ 882
Comments are closed.