LAST year lang, it was sometime in June 2019, nang buksan ang Mix and Brew Coffee sa SM Megamall ni Bea Binene pero dahil sa current pandemic, kailangang isara niya ito.
Blood, sweat and tears raw ang kanyang pinuhunan kaya masakit sa loob niya ang isara ito.
Inalala niya kung gaano siya ka-hands-on sa proyekto.
No wonder, she was absolutely beaming when her coffee stall finally opened for business.
“From concept to the pag-aayos ng permits, yung pagpapagawa ng architectural, electrical, and plumbing plans to the products, paghahanap ng supplier, as in gino-Google ko lahat ng suppliers ng gatas, tatawagan ko sila isa-isa while nasa traffic ako.
“So iyon, marketing, lahat. Ako po mismo yung nakikipag-meet sa SM.
“Since nasa mall po ang business, we temporarily stopped operations because of the ECQ,” she asseverated.
Di raw nila alam kung kailan sila nagre-resume ng operation. Depende raw yun sa pag-lift ng ECQ.
“If they say na malls will open na, then definitely, we will follow them,” she averred.
Ikinalulungkot raw niyang yung tatlong baristas ay mawawalan ng regular source of income pero tinulungan naman niya ang mga ito bago sila nagsara.
IMELDA PAPIN BINATIKOS SA PAGSALI SA MUSIC VIDEO NG MGA TSINO
BINATIKOS lately si Camarines Sur Vice-Governor Imelda Papin right after na matapos siyang lumabas at kumanta sa music video na “Iisang Dagat.”
Inilabas ito ng Chinese Embassy sa Facebook page at YouTube channel nitong Biyernes, April 24, 2020.
Kasamang umawit sa music video ang Chinese Diplomat na sina Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan, at Chinese actor na si Yubin coming from the Chinese TV series The Untamed.
Isinulat ni Chinese Ambasador Huang Xilian ang “Iisang Dagat” na nilalayong pagbuklurin ang mga Filipino at Chinese kontra sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ipinakita rin sa music video ang ilang government officials katulad nina Pangulong Rodrigo Duterte, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at Health Secretary Francisco Duque.
Kasama rin sa video ang mga nagsiratingang Chinese medical experts at Chinese diplomats.
Dahil sa mga pangyayaring ito, kinuwestiyon ng mga netizens ang participation ni Imelda Papin dito at nai-connect pa ang pinasikat niyang awiting “Isang Linggong Pag-ibig.”
Some netizen contend that the West Philippine Sea is owned by the Philippines at dapat daw na mahiya si Imelda.
As of presstime, meron lang 1.4 thousand likes ang video at as compared to the number of dislikes that was able to reach 116 thousand.
“Ang title ‘Iisang Dagat’ para ring isang mundo yan. Bakit i-criticize ang participation ko,” Imelda was quoted to have said in an interview.
Sinabi rin niyang siya raw ay kinuha lamang ng Chinese Embassy upang magbigay-tinig sa kanta.
“Hayaan natin sila, ipagdasal ko na lang. Kasi hindi naman ako nagprisinta.
“Ako mismo ang kinuha… bilang chosen artist ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
“At ang message ng song, awitin ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asa.
“Bakit hindi sila kumibo sa mga tulong na binibigay ng China—doctors, protective equipment etc. Bakit ako?”
Idinagdag pa rin niya na ipagdarasal na lamang niya ang mga taong nega dahil hindi naman daw siya tumanggap ng kaukulang bayad para sa proyektong ito.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.