(Dahil sa bird flu outbreak) POULTRY IMPORTS MULASA UK BAWAL MUNA

william dar

PANSAMANTALANG hindi  papapasukin sa Filipinas ang anumang poultry product mula sa United Kingdom (UK) dahil sa outbreak ng H5N8 highly pathogenic avian influenza  o bird flu.

Nilagdaan ni Agriculture Secretary William D. Dar ang isang memorandum order noong March 5 na nagbabawal sa pagpasok ng UK domestic at wild birds at kanilang mga produkto, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen.

Kabilang din sa kautusan ang suspensiyon ng pagproseso,  evaluation, at pag-iisyu ng sanitary at  phytosanitary import clearances para sa naturang mga produkto.

Nagpalabas din ang DA ng katulad na kautusan noong Disyembre 14 na nagbabawal sa poultry imports mula sa England, isa sa component countries ng UK.

Paliwanag ni Dar, ang ban ay pinalawig sa UK makaraang iulat ang outbreaks sa Scotland, Wales, at Northern Ireland.

“Given that the highly pathogenic avian influenza has already spread in all the four countries of the United Kingdom in a span of three months, it is recommended that a countrywide ban be imposed,” anang kalihim.

“[The] highly pathogenic avian influenza in the UK has killed 203,128 birds,” dagdag pa niya.

3 thoughts on “(Dahil sa bird flu outbreak) POULTRY IMPORTS MULASA UK BAWAL MUNA”

  1. 666612 480044Ive applied the valuable points from this page and I can certainly tell that it gives a lot of assistance with my present jobs. I would be very pleased to keep getting back in this internet page. Thank you. 410517

Comments are closed.