BULACAN – HINDI sa paputok, ang sanhi trahendya sa pagkaputol ng dalawang daliri sa kaliwang ng kamay ng isang binata kundi dahil sa motorsiklo na naganap sa Brgy, Matictic sa bayan ng Norzagaray sa lalawigang ito, ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Nabatid na inaayos umano ni Aaron Santiago, 22-anyos ang kadena ng kayang umaandar na motorsiklo nang bigla lamang maipit sa sprocket ang daliri nito ganap na alas-10 nitong Martes ng gabi.
Dahil sa tindi ng pinsala sanhi ng pagkakaipit ng dalawang daliri agad dinala sa Bulacan Medical Center ni Ignacio Frias rescue responder ng Norzagaray ang binata na agad rin nilapatan ng Lunas.
Nabatid na graduating na ang biktima sa kurong HRM ngayong Enero sa Norzagaray College at magsisimula na ring mag OJT kaya problemado ito kung matatanggap pa sa trabaho makaraang maputulan ng daliri.
Gayunpman, hinimok ng binata ang mga may dekadenang motorsiklo na i off o patayin ang makina ng kanilang mga motor kung may mga aayusin upang maiwasan ang aksidente.
THONY ARCENAL