(Dahil sa pagkalugi)PRODUKSIYON NG MANOK TIGIL MUNA

PANSAMANTALANG tumigil ang ilang local producers sa produksiyon ng manok dahil sa pagkalugi.

Ayon kay United Broiler Raisers’ Association (UBRA) at Philippine Egg Board Association (PEBA) Chairman Gregorio San Diego, mababa ang farm gate price ng manok kaya marami ang nagpasyang tumigil.

Umaabot na lamang, aniya, sa P92 hanggang P99 ang farm gate price kumpara sa production cost na P115.

Samantala, nagtaas na rin ng presyo ang ilang nagtitinda ng manok sa palengke, lalo sa Metro Manila para mabawi ang kanilang puhunan.

DWIZ 882