PINAGMULTA ng Philippine Competition Commission (PCC) ang ride-hailing firm Grab ng panibagong P16.15 million dahil sa sobra-sobrang paniningil ng pamasahe mula Mayo 11 hanggang Agosto 10.
Sa kabuuang multa, ₱14.15 million ang kailangang ibalik ng Grab sa mga pasahero nito, habang ang P2-M ay penalty makaraang makitaan ng anti-trust body ang Grab ng pagtaas ng insidente ng driver cancellations.
“Passengers who availed of Grab’s service between May 11 to August 10 this year, or the fourth quarter of the initial undertaking, shall expect the rebate within 60 days through GrabPay credits,” pahayag ng PCC.
Ayon sa PCC, napatunayan nilang sobra-sobra ang paniningil ng pamasahe ng Grab lalo pa at wala itong kakumpetensiya.
Sa imbestigasyon ng PCC, umabot sa 7.76 percent ng kabuuang bilang ng bookings ang kinansela ng Grab drivers, mas mataas sa pangako ng Grab na pananatilihin lang sa 5 percent ang kanselasyon.
Sa kanilang panig ay sinabi ng kompanya na tatalima sila sa kautusan ng anti-trust watchdog at babayaran ang kabuuang P16.15 million na multa.
“Yes, we will comply,” wika ni Grab Philippines president Brian Cu.
“The disbursement will happen no later than February 10, 2020, with a corresponding communication to the relevant passengers five days prior to the disbursement,” anang kompanya.
“As the new monitoring year begins with the new system-wide average monitoring scheme, Grab is hopeful in fulfilling its commitments to the PCC, however, it highlights that as a platform, pricing will still be influenced by factors such as lack of supply and the traffic situation.”
Nauna rito ay pinagmulta ng PCC ng P23.45 million ang ride-hailing firm para sa sobra-sobrang paniningil ng pamasahe mula Pebrero hanggang Mayo 2019. PMRT
Comments are closed.