DAHIL SA TECH-VOC COURSE, NAKAPAG-OFW, NAIANGAT ANG BUHAY NG PAMILYA

ANG tinapos niyang technical-vocational (tech-voc) course na Front Office Services (FOS)  NC ll  ang naging susi sa kanyang  pagpupunyagi sa buhay, pagtulong sa pamilya, at pagtatagumpay sa kanyang trabaho bilang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan.

Meljie Moreno Manipol
Meljie Moreno Manipol

Si Meljie Moreno Manipol, mas kilala bilang ‘Jie’ sa kanyang pamilya at mga kaibigan, ay  pa­nganay sa anim na magkakapatid mula sa  isang ma-hirap na pamilya sa Cabolutan, San Agustin, Romblon. Ang ama niya ay isang motorcycle driver (habal-habal) habang ang kanyang ina ay nangangala-kal sa tabing-ilog para makatulong sa pamilya.

Si Jie ay isang high school graduate. Nagdesisyon siyang mag-enroll sa tech-voc dahil gusto niyang matuto ng skills na magagamit niya sa pa-ghahanap ng trabaho.

Sa edad na 19, dumalo si Jie sa training ng  Front Office Services NC ll sa ilalim ng  Training for Work Scholarship Program (TWSP) noong 2016 sa  Saint Augustine Institute of  New Technology-Romblon Inc. (SAINTRI), isang TVET provider ng TESDA, sa  Poblacion, San Agustin, Romblon. Naniniwala siya na ang kanyang matututunan ay magiging susi  upang marating ang  kanyang mga pangarap, matulungan ang pamilya at magbubukas pa ng maraming oportunidad sa kanyang tagumpay.

“I can say that I am lucky enough, because God gave me the opportunity to be a beneficiary in one of the scholarship programs of TESDA,” paha-yag ni  Meljie.

Aniya, bago ang kanyang training sa FOS NC ll, l, hirap siyang makipag-communicate nang ma­ayos, Nabubu-bully siya sa kanyang mga pi-nasukang trabaho dati dahil dito. Matapos ang kanyang skills  training, marami siyang natutunan at nakakapag-communicate na siya nang maayos kahit sa mga dayuhan na kanyang nakakausap sa  ibang  bansa.

Bilang FOS NC ll holder, nakatulong din umano nang malaki ang kanyang mga naging working experience sa bansa bilang front desk attendant upang mahasa ang kanyang kasanayan bago siya magtrabaho sa Taiwan.

Noong namatay sa aksidente ang kanyang ama, doble-sakripisyo si Meljie upang matulu­ngan ang kanyang ina na masuportahan ang  pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nagtrabaho rin siya bilang factory worker sa Taiwan, hanggang sa makaangat na sila sa buhay.

Sa kasalukuyan, Front Desk employee siya sa isang HTC Group, na gumagawa ng mga hospital tools/equipment.

Bilang isang TESDA graduate na nagtagumpay sa kanyang kasaluku­yang career, hinikayat niya rin ang kanyang nakababatang kapatid na babae na kumuha ng Food and Beverage Services NC ll training. Nangangaila­ngan din ang kanilang company canteen ng mga Filipino workers, kaya’t hindi na niya pina­lagpas ang oportunidad na ito para sa kapatid niya.

Naniniwala si Jie na ang TESDA course ang talagang nakatutulong para sa pangmatagalang pag­hahanapbuhay ng  mga Pinoy  na katulad niya, sa mga dayuhang kompanya.

Comments are closed.