BAGAMA’T hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo dahil maaga siyang nagkapamilya, nakamit naman nito ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo sa tulong ng Technical Education and Skills Development Education (TESDA) program.
“Happily married” si Emily E. Micabani sa kanyang asawang si Noel, may tatlo silang anak at naninirahan sa Mansasa District , Tagbilaran City. Sa kabila nito, hirap sila pagdating sa pinansyal dahil ang inaasahan lamang nila ay ang kinikita ng kanyang asawa bilang tricycle driver at pagsa-sideline bilang flower arranger sa mga wedding events. Duda siya na mabibigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak dahil kulang pa ito para sa pagkain at panggastos ng pamilya.
Nang siyam na taon na ang kanyang panganay, pumasok ng trabaho si Emily sa isang maliit na boutique bilang beader o tagalagay ng mga beads sa mga gowns at finishing touches. Tatlong taon siyang nagtrabaho dito. Sa kagustuhan na pahusayin pa ang kanyang kakayahan, kumita ng mas malaki para sa pamilya, at patunayan sa sarili na marami pa siyang matutunan sa kanyang ginagawa, nagdesisyon si Emily na mag-aral tungkol sa basic pattern making at pananahi ng iba’t damit.
Naghanap siya ng school na may libreng training tungkol sa dressmaking at sa pamamagitan ng pagbaba-browse sa social me-dia, nalaman nito na ang TESDA Vll ay nag-aalok ng Dressmaking NC ll, sa Tubigon, Bohol noong 2016.
Sobrang pasasalamat ni Emily sa kanyang trainer dahil itinuro sa kanya ang lahat ng skills at techniques sa paggawa ng damit. Matapos ang training, lumakas ang kanyang tiwala sa sarili na tumanggap ng mga orders at bumili ng sewing machine. Ang pan-garap nitong magkaroon ng sariling boutique at ang pamilya ang nagbigay-inspirasyon para magpursige na palawakin pa ang kasanayan nito at harapin ang mga pagsubok nang itayo nito ang maliit na negosyo.
Hanggang sa makatanggap ito ng tawag sa telepono at kinukuha siya para magdisenyo at magtahi ng damit para sa buong wed-ding entourage. Ito’y naging daan upang makilala si Emily sa kanyang kakayahan at talento sa pananahi, pagdisenyo, pagtabas ng iba’t ibang kasuotan sa kanilang lugar at maging sa mga kalapit na lugar. “Because of TESDA, my dream become a reality. Now, I already have my own dress shop registered as EEMS Creation & Style, located at Mansasa District, Tagbilaran City.”
Ang kanyang shop ay nagtatahi ng mga kasuotan ng iba’t ibang events tulad ng kasal, birthdays at marami pang iba. Bilang tulong sa komunidad, nakapag-employ siya ng anim na mananahi, at dalawang office personnel. Malaki ang kanyang pasasalamat sa PTC Tubigon, at bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang Alma Mater, tumatanggap siya ng mga on-the-job training sa Dressmaking NC ll trainees.
Payo nito para sa mga walang kakayahan na magtapos ng kolehiyo, “ technical vocational and training ay malaking help samahan ng dedikasyon at pagtitiyaga.”
Comments are closed.