DAHIL SA TESDA TRAINING: KARPINTERO, MAGIGING TVET TRAINER NA!

“Malaki ang pasasalamat ko sa TESDA dahil matapos akong mag-training sa iba’t ibang skills sa construction sector, dumami ang dumara­ting na mga trabaho sa akin at lumaki  ang kita. Hinihintay ko rin ang magiging  resulta ng aking aplikasyon bilang TVET trainor o Technology and Livelihood Education (TLE) teacher sa Department of Education (DepEd).”

Ito ang masayang paglalahad ni Tomas Aringo Beltran, mula sa Brgy.San Roque, Bulusan, Sorsogon, holder ng limang national certifications ng TESDA: Carpentry NC ll, Shielded Metal Arc Welding NC l, Masonry NC l & ll at Tile Setting NC ll. Sya din ay may dalawang  trainer’s qualifica-tions, tulad ng  Trainer’s Methodology ™ at National TVET Trainer’s Certificate (NTTC).

Tomas Aringo Beltran
Tomas Aringo Beltran

Siya ay pang-apat sa limang magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang karpintero at kabilang sa Agta-Tabangnon Indigenous  Cultural Communities (ICC). Taong 1994 nang magtapos  si Tomas ng high school subalit, tumigil sa pag-aaral  ng apat na taon, dahil kailangan niyang  tumulong sa kanyang ama  para mapag-aral ang  kanyang   mga  kapatid.

Taong 2000, mu­ling nag-aral si Tomas sa Ama Computer Learning Center, at nagtapos ng  kursong 2-Year Computer Technician. Gayunpaman, hindi naman niya  ito nagamit  dahil iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasukan. Sandali din siyang naging trainee sa Philippine Army.

Dahil na-inspire sa  kanyang kuyang titser, sumailalim siya sa National Competency Assessment sa   Carpentry  NC ll  at pumasa noong 2011. Bilang holder ng Carpentry NC ll,  nakapasok si Tomas  sa  Jan-Sha Construction Firm kung saan sumasahod siya ng P330 bawat araw.  Nag-enroll naman siya  sa programang Shielded Metal Arc Welding NC l  noong 2016, sa tulong ng National Commission for Indigenous Peoples (NCIP).

Noong  2018, sa kagustuhang  maging trainer, kumuha si Tomas  ng Trainer’s Methodology (TM) Course sa BNVTS at National TVET Trainer Certificate (NTTC) sa Carpentry sa  TESDA Sorsogon Provincial Office.  Kumuha rin siya ng Masonry NC l & NC ll at Tile Setting NC ll noong Mar-so 2019.

Dahil sa kanyang NTTC, nag-apply si  Tomas bilang TVET trainer sa Bulusan National Vocational Technical School (BNVTS) at TLE teacher sa Department of Education (DepEd) sa Sorsogon District Office, partikular sa Cumadcad National High School.Natanggap na siya sa BNVTS bilang trainor at habang  naghihintay ng tawag, patuloy siyang tumatanggap ng tra-baho bilang  foreman, carpenter, welder, tile setter o bilang all around skilled worker upang matugunan ang kanyang responsibilidad bilang ama, anak at asawa.

Comments are closed.