DAHIL SA TESDA TRAINING, TALENTO NAGING ISANG NEGOSYO

Hindi akalain ng isang dating high school teacher na ang kanyang pagkuha ng isang tech-voc course sa TESDA ang magdadala sa kanya ng tagumpay ngayon bilang baker at cake decorator.

Ayon kay Gretchen Mae Dela Cruz Rosal, taga-Centro West, Santiago City, Isabela, plano lamang nya noon ay  magkaroon ng training certificate bilang requirement at pandagdag sa kanyang portfolio bilang aplikante sa Department of Education.

Gretchen Mae Dela Cruz RosalMatapos and tatlong taong pagtuturo (2012-2015) sa University of La Sallette, taong 2015, kung saan rin siya nagtapos ng kurso sa Edukasyon, nagpasya si Gretchen na kumuha ng technical-vocational course na Bread and Pastry Production NC ll sa Southern Isabela College of Arts and Trades (SICAT).

Hindi niya akalain na dahil rito ay madidiskubre niya ang kanyang talento sa art of baking na lalo pang pinalutang ng kanyang creativity at craftsmanship.

Kaya naman, 2015 rin nang simulan niyang gawing negosyo ang kanyang hilig at talento sa pamamagitan ng simple at maliit na bakeshop na kanyang pinangalanang “Sweet Arts Cakes”.  Dahil sa husay niya sa baking at sa kalidad ng kanyang mga produkto, mas dumami ang mga suking kliyente ni Gretchen na dati ay kanyang mga kaibigan at ka-pamilya lang.

Ngayon ay gumagawa na siya ng kanyang sariling trademark sa pagde-design ng cakes, cupcakes  at pastries na ayon sa kanya ay may “puso at buong pagmamahal.”

Marami na rin siyang nabuong partnership sa mga catering services na kumukuha sa kanya ng mga cake at iba pang produkto kapag may mga event ang mga ito.

Dahil mas nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa at mas malaki ang kinikita, hindi na itinuloy ni Gretchen ang kanyang pagpasok sa DepEd at umalis na din sa pagtuturo at naninilbihan na lang sa tanggapan ng Office of the President ng ULS upang mas matutukan ang kanyang negosyo.

Para sa kanya, ang TESDA ay malaking tulong sa paghubog at pagdiskubre ng natatagong talento at kasanayan. Ayon kay Gretchen, “ang mga TESDA trainings ay nagbibigay ng mga pangunahing kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral at nagsisilbing pundasyon sa trabaho o pagnenegosyo. “TESDA provides the best training that we can get.”

Payo ni Gretchen sa kapwa Filipino, “‘Wag tayong matakot sumubok, maaari tayong magsimula sa mababa, but if we put enough courage, passion and dedication to our chosen path, magkakaroon ito ng kabuluhan.”

Ayon pa sa kanya, hindi dapat idiscriminate ang mga tech-voc graduates, dahil tulad niya, marami ng success stories mula sa TESDA graduates.

Comments are closed.