ISABELA – DALAWA katao ang sugatan sa karambola ng pitong sasakyan na ikinasugat ng dalawa matapos na maatrasan ang mga ito ng isang dump truck na kargado ng graba o buhangin, habang ito ay paakyat sa papalikong bahagi ng kahabaan ng Daang Maharlika sa Brgy. Minante, Cauayan.
Ang mga sangkot sa karambola ng pitong sasakyan ay ang dump truck, pick up, elf truck, SUV, Jeep, motorsiklo at isang tricycle na ikinasugat ng driver ng tricycle na si Nelson Valero, residente ng Nagrumbuan, Cauayan City.
Sugatan din ang tsuper ng motorsiklo na nawasak matapos maatrasan ng SUV na minamaneho ni Jaimeson Cortez, residente ng Lallo, Cagayan.
Ang nasabing dump truck ay minamaneho ni Philnante Zuniega, 32-anyos, residente ng Linglingay, Cauayan City habang ang pickup na naatrasan ng dumptruck ay minamaneho ni Romeo Galamay, 52-anyos, residente ng Minante 2, Cauayan City.
Naatrasan din ang jeep na minamaneho ni Rommel Ibarra, residente ng Cabaruan, Cauayan City.
Sa pagsisiyasat ng PNP Cauayan City, habang binabagtas umano ng dump truck ang paakyat na bahagi ng daan sa nasabing lugar nang bigla umanong tumigil ang makina ng dump truck dahil sa bigat na karga na graba ng dump truck ay umatras ito, na naging sanhi para maatrasan ang pick-up na minamaneho ni Galamay na ikinadamay ng lima pang sumusunod na mga sasakyan. IRENE GONZALES
Comments are closed.