BILANG na ang oras ng ilang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) da- hil susunod na silang sisiba- kin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati ng Pangulo sa annual assembly ng Provincial Union of Leaders Against Illegality sa Quezon Convention Center sa Lucena City, sinabi nito na dapat na maghanda ang mga nasa land conversion office ng DAR na susunod nang sisibakin.
Nagbanta pa ang Pangulo na kakasuhan o papatayin na lamang niya ang mga ito dahil sa pagkakasangkot sa korupsiyon.
Hindi umano nagustuhan ng Pangulo ang matagal na proseso ng kaso ng land conversion na umabot na ng dalawang taon.
“Kung nakikinig sila ngayon d’yan sa conversion office ng DAR, better prepare because you’re fired. ‘Yung conversion, from one of agriculture to commercial ata, took them two years to process,” pahayag ng Pangulo.
Wala namang ideya si DAR Secretary John Castriciones at sinabi nitong kanya pang aalamin kung sino ang mga sinasabing sisibakin ng Pangulo.
Comments are closed.