DATING DRUG SURRENDEREE, SPA SUPERVISOR NA; TESDA SCHOLARSHIP NAGING HAKBANG SA PAGBABAGONG-BUHAY

“LABIS ang pasasalamat ko sa Panginoon at ginamit Nya ang  TESDA upang ako’y makapagbagong buhay  mula sa pagkakalugmok ko sa droga,” ayon kay “Jonard” (hindi niya tunay na pangalan),  nasa 40s, isang  TESDA scholar  sa  Hilot/Wellness Massage NC II,  at dating  drug surrenderee at kasalukuyang nagtatrabaho bilang supervisor sa isang “well-patronized” spa sa lala­lawigan ng Iloilo.

Si Jonard ay kasama  sa grupo ng drug surrenderees na inirekomenda ng isang pari na nagsasagawa ng spiritual at social renewal program para sa mga detainees ng Bureau of Jail Management and Prisons (BJMP)  upang sumailalim sa  free skills training ng TESDA para sa Hilot (Wellness) Massage NC ll at Massage Theraphy NC ll noong May 2018.  Siya ay pumasa sa assessment para sa dalawang technical-vocational training noong 2018.

“Kon ang skills mo massage, indi ka gid mawad-an bisan diin ka lang dal-on.” (Kung ang iyong  skills ay pagmamasahe, hindi ka mawawalan ng kita kahit saan ka pumunta) Matapos ang kanyang  drug rehabilitation noong  2017,  si “Jonard” ay nanilbihan bilang “ volunteer reflexologist” sa  isang drug surrenderees rehabilitation center sa Iloilo City.  Humusay ang kanyang  massage skills sa ilalim ng reflexology trainers ng   nasabing rehabilitation center bilang bahagi ng counseling at rehabilitation program ng institution.

Malaki ang pasasalamat ni Jonard sa Panginoon na mabigyan siya nang pagkakataon na makapagbagong buhay noong 2017,  nakalaya siya matapos maglagak ng piyansa kasama ang anim na iba pang drug-related detainees.

Ikinuwento niya na siya ay nakulong sa loob ng apat na taon dahil sa kasong may kinalaman sa  illegal drugs.  Binalikan n’ya ang kanyang  naging  buhay bilang drug addict  na malayo mula sa kanyang dating career.

Pagkatapos umano niyang grumadweyt sa kolehiyo, nagtrabaho siya  bilang  salesman at malaki ang kanyang kinikita.

Sa edad na 29, nasira ang buhay at career ni Jonard dahil sa kanyang pagkalulong sa shabu. “Sang una, daw ido ako nga wala tag-iya.  Bisan diin lang maestar, wala gapaligo.”  (Dati pakiramdam ko isa akong aso na walang nagmamay-ari.  Kahit saan-saan lang ako nakikitira, parang palaboy.  Hindi ako naliligo).

Taong 2013, nang maaresto si Jonard dahil sa pakakasangkot  niya sa away.  Sinabi ng mga pulis na nahulihan siya  ng  granada.  Subalit,  pahayag   naman ni Jonard na wala talaga siyang dalang ilegal na droga nang mahuli.  Gayunpaman, kilala  sa kanilang barangay  si Jonard  na gumagamit ng shabu.

“It was a lonely life inside the prison,” pagbabalik-tanaw ni Jonard na may pagsisisi. Tanging ang kapatid nitong lalaki ang bumibisita sa kanya, at tuwing special occasions lamang.  Iniwan siya ng kanyang asawa, at  hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para maalagaan ang kanyang tatlong anak.

Sa ngayon bumalik na si Jonard sa kanyang normal na pamumuhay na  naka-sentro sa Panginoon. Sa kanyang  dawalang TESDA National Certifications, nakakaitiyak na si Jonard nang magandang kinabukasan at  oportunidad para sa kanyang tatlong anak.

Ang maputi, matangkad, at nakasalaming si Jonard ay hindi mo aakalaing isang dating drug dependent.

At sa kanyang matatag na kita, nakakapagbigay na siya ng lingguhang allowance sa kanyang anak at isa pang pamangkin.

“I’m so grateful to become drug-free and rehabilitated. And through the TESDA scholarship program, I got a se­cond chance in life, and to level up my career as a professional massage therapist and become a useful member of our community.” Ani  Jonard.

Comments are closed.