VALENZUELA CITY -ARESTADO ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Valenzuela police chief Col. David Nicolas Poklay, alas-7 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay Jenny Ann Alvarez sa Brgy. Marulas.
Matapos iabot ng suspek ang isang pack ng shabu sa isang undercover police na poseur buyer kapalit ng marked money ay agad itong nilapitan ng mga operatiba at inaresto.
Narekober sa suspek ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P110,000 street value ang halaga at buy bust money.
Sinabi ni Poklay na inaalam pa nila kung totoo ang impormasyon na sa loob ng kulungan sa Bulacan nanggagaling ang ilegal na droga.
Aminado naman ang ginang na nagtutulak siya para may panggastos sa kanyang nanay na may sakit at tatlo niyang mga anak dahil wala siyang tra-baho. Sinabi pa nito na minaltrato umano siya noong nagtatrabaho sa Saudi Arabia kaya umuwi siya ng Filipinas. EVE GARCIA/VICK TANES
Comments are closed.