DATING OUT-OF-SCHOOL-YOUTH, NAGKATRABAHO DAHIL SA TESDA

TESDA

SA kagustuhan ni Gerona Mabugat Busa na magkaroon nang maayos na trabaho, naisipan nya’ng kumuha ng skills training mula sa TESDA. tesdaNakakabilib na ang piniling kurso ni Gerona ay Automotive Servicing NC I at NC II sa TESDA Regional Training Center – Tacloban.

Panganay sa apat na magkakapatid, si Gerona ay napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay.  Subalit, alam nya’ng hindi sya dapat manatiling isang out-of-school youth kaya naman isang magandang opurtunidad para kay Gerona ang makapag-aral nang libre sa RTC – Tacloban sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.

Matapos pumasa sa competency assessment at makuha ang kanyang National Certificate sa Automotive Servicing, sya ay natanggap bilang Warranty Admin sa Hyundai Santiago City sa Isabela.

Maganda man sa ngayon ang trabaho ni Gerona, nais nya pa rin makapagtapos ng kolehiyo at kumuha ng kursong Bachelor of Technical Teacher Education. Ayon kay Gerona, ito ang nakikita niyang daan para maibahagi niya ang kaniyang skills sa Automotive Servicing at ang halaga ng mga technical vocational courses.

Payo ni Gerona para sa mga gustong kumuha ng kurso sa TESDA, “’Wag kayong mawawalan ng pag-asa sa buhay, hindi hadlang ang kahirapan para hindi tayo magkaroon ng magandang kinabukasan, may mga tao at organisasyon ang handang tumulong at sumuporta sa ating mga pangarap tulad ng TESDA.”

Comments are closed.