SIMULA na ng “ber” months, ibig sabihin, simula September 1, may 117 days na lang bago mag-Pasko. Sabi nga sa kanta, “Pasko na naman o kay tulin ng araw.” Pero saka na lang ‘yon. May October at November pa. November 2018 kasi ang unfolding month ni Bea Alonzo, ang featured starpreneur natin ngayong araw na ito. First week kasi ng November nang buksan ng aktres ang una niyang café venture – ang Dean & DeLuca Philippines – sa Quezon City.
Ang café ay matatagpuan sa Scout Tuazon corner Scout Rallos. Ito ang piniling negosyo ni Bea dahil mahilig siya sa kape.
“Good old coffee. Just what I need today,” aniya. “I’ve been so excited about this new venture and I can’t wait to dine with you guys and run you through our delectable menu.”
Nagsimula ang Dean & DeLuca sa New York bilang upscale grocery stores, hanggang sa maging kilalang café ito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa Pilipinas, ang unang branch ng Dean & DeLuca ay sa Makati City at Bonifacio Global City sa Taguig, kaya nang magbukas ang café ni Bea sa Scout Rallos, isa itong magandang balita sa mga coffee lovers na nakabase sa northern Metro Manila.
Naisipan ni Bea na magtayo ng sosyal na coffee shop nang matapos niya ang short course sa baking sa Center for Culinary Arts noong September 2018. –NV
166908 308096Dead written articles , Actually enjoyed reading . 22543