DEATH TOLL SA SULU ENCOUNTER NADAGDAGAN

Cirilito Sobejana4

UMABOT na sa 12 sundalo ang namatay matapos ang pakikipagsagupa ng mga ito sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu noong April 17.

Ito ang kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command Commander Lt General Cirilito Sobejana.

Aniya, hindi na kinaya pa at  nasawi kahapon ng alas- 7:40 ng umaga ang isa sa 14 na sundalong lubhang nasugatan sa sagupaan habang ginagamot sa Ciudad Medical Zamboanga.

Kinilala itong si SSg Alexander Bolesa miyembro ng Philippine Army na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibat parte ng kanyang katawan partikular sa maseselang bahagi ng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Matatandaang 11 sundalo ang unang namatay sa sagupaan matapos makaengkwentro ang ASG sa Patikul Sulu habang nagpapatrolya ang mga sundalo.

Sa ngayon patuloy na ginagamot ang 13 pang sugatan sundalo sa sagupaan. REA SARMIENTO

Comments are closed.