GOOD day, mga kapasada!
Kumusta po, mga kapasada. Dalangin po ng pitak na ito na ligtas kayo sa lahat ng masasamang biro ng tadhana, una sa nakahahawang COVID-19.
Sa nasasaksihan po ng ating pitak sa pagmamaneho, sa totoo lamang, we can’t go beyond the prerimeter of Defensive Driving topic.
Maaaring nakukulele na ang inyong pandinig sa paksang ito, ngunit as we roll on the road, dahil po sa kahingian ng pagkakataon bunga ng maraming aksidente na nagaganap araw-araw sa lansangan na nagiging dahilan ng pagkawasak ng ari-arian at buhay nang wala sa panahon kaya naman redundantly, patuloy po nating ipinaaalala sa ating mga kapwa drayber ang kahalagahan ng ‘defensive driving’.
ANO BA ANG DEFENSIVE DRIVING?
Ang defensive driving means driving techniques that enhance safety of a person. It is the next course that drivers learn after as driving skills. It helps prevent collision and save times, money as well as lives of the driver and its passengers.
E, bakit defensive driving course? Ito po at marami pang iba ang mga katanungang dumarating sa pitak ng PATNUBAY NG DRAYBER.
Gusto kong linawin sa mga kapasada na ang kahulugan po ng defensive driving para sa kaalaman ng ating mga kapasada ay upang tiyakin na ang ating mga drayber ay handa sa anumang maaaring maganap sa ‘di inaasahang panahon kaya naman ang payo ng pitak na ito: – maging maingat, maging laging handa na gumawa ng kagyat na karapat-dapat na aksiyon at hindi yaong ilalagay mo ang iyong kapalaran sa kamay ng ibang mga iresponsablend drayber gaya ng si-nasabi ng National Safety Council na 77 percent ng mga aksidenteng nagaganap sa mga lansangan ay bunga ng driver’s error.
Mga kapasada, sa sinabing ito ng National Safety Council, kung ang ating mga drayber ay may malawak na kaalaman sa defensive driving, makatutulong ang mga ito para mapababa ang porsiyento ng nagaganap na aksidente sa lansangan araw-araw.
ANO-ANO ANG DAPAT MALAMAN SA DEFENSIVE DRIVING
Narito ang ilan sa mga turo ng Defensive Driving na dapat unawaing mabuti ng isang namamasada to earn for his daily subsistence.
Sa pagmamaneho, maging pampasahero o pribadong sasakyan, laging magbibigay ng sapat na puwang (spaces) sa sinusundan. Ayon sa estadistika, apat sa 10 traffic accident ay kinasasangkutan ng rear end collision.
Ang ganitong uri ng banggaan ay maaari sanang naiwasan kung nagbigay lamang ng sapat na distansiya ang sumusunod sa nauunang sasakyan sa halip na gawiin ng drayber ang tinatawag natinf “tail gating habit”.
Mga dapat gawin ng drayber upang maiwasan ang banggaan:
Tumingin sa unahan – pagalain ang paningin sa kahabaan ng tinatahak na lansangan, sa unahan at sa buong paligid kahit na 100 yarda man lamang upang mabatid kung mayroong panganib sa daraanan.
Pagalain ang inyong paningin sa kaliwa at kanang bahagi ng minamanehong sasakyan upang makita ang dumarating na sasakyan, mga pedestrian o kaya ay mga hayop na maaaring biglang lumitaw sa inyong daraanan na ‘di naman ninyo inaasahan.
Iugma (adjust) ninyo ang peligro sa pamamagitan ng pagpapabagal ng inyong sasakyan o pananatili sa inyong linya at ‘di palipat-lipat upang maiwasan ang posibleng panganib.
Iwasan ang palaging palipat-lipat ng linya. Sikaping manatili sa tinatahak na linya at panatilihin ang wastong tulin kung nalalapit na sa matrapik na pook.
Laging alalahanin ang pananatili sa kanang bahagi ng lansangan at laging alamin kung sa daraanan ay may blind spot bago kayo magpalit ng linya para lumiko.
Panatilihin ang proper driving position – pamalagiin ang comfortable upright driving position na ang dalawang kamay ay nakahawak nang mahigpit sa manebela (preferable at the nine and three o’clock positions) upang maiwasan ang anumang ‘di kanais-nais na magaganap sa anumang gagawing biglang pagmamaniobra.
Maging mapagtimpi – Itanim sa isipan na malupit na kaaway ng drayber ang galit, pagkabalisa, pag-iisip ng malalim, gayundin ang pagmamaneho under the influence of intoxicating substance. Iwasan ang pagmamadali. Maglaan ng wastong palugit sa ‘di inaasahang pagkabalam. Higit na mabuti ang mahuli ng dating nang ligtas kaysa mauna ang sakuna.
Laging maging handa – isiping mabuti ang gagawing paglalakbay bago magmaneho. Itanim sa isipan na hindi lahat ng driver ay nasa unahan o maging nasa hulihan ay alam ang iyong gagawin. Isiping mabuti ang nararapat gawin kung mayroong magaganap na pagpapanik.
Panatilihing nasa kondisyon ang inyong sasakyan – tiyaking gumaganang mabuti ang inyong: preno, front and rear lights, windshield glass and wipers, goma, turn signal lights, exhaust, steering assembly busina at radiator.
Maging polite at mapagbigay – huwag makipagtalo sa kapwa drayber. Pagbigyan na sila kahit alam mo na ikaw ang nasa tamang lugar. Sumunod sa ipinag-uutos ng mga traffic enforcer at igalang ang batas ng trapiko upang maiwasan ang ‘di inasahang sakuna. Iyan at marami pang aral na dapat matutunan sa diwa ng ‘Defensive Driving’.
NAPASONG DRIVER’S LICENSE, PERMIT MAY BISA HANGGANG DIS. 31, 2020
Ang lahat ng expired student’s permits, gayundin ang lisensiya ng mga drayber at conductor ay mananatiling valid until December 31, 2020.
Ito ang sinabi ni Atty. Clarence V. Guinto, Director ng LTO-National Capital Region-West, kabuntot ng panuntunan mula kay LTO Chief Edgar Galvante.
Ang panuntunan (guidelines) ay batay sa resolusyon na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (AITF) No. 79 Series 2020 nitong kalagitnaan ng Oktobre na nagtapos sa restriction period para sa may edead na 17-21 at 60-65.
Ayon kay Guinto, ang LTO ay handang paglingkuran ang nabanggit na age bracket ngunit bibigyang prayoridad ang mga senior citizen bilang paggalang sa kanilang kalagayan.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Guinto na titiyakin ng ahensiya na mahigpit nilang ipatutupad ang health and safety protocols na inirekomenda ng IATF upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Gayundin, ipinaaalala ni Guinto sa lahat ng clients ng LTO sa buong kapuluan (nationwide) na igalang ang health protocols na inirekomenda ng IATF sa pamamagitan ng pagdadala ng kanilang sariling ball pen, wearing face mask at face shield, alcohol at iba pang inirekomendang mga hakbang para maiwasan ang pagkahawa sa coronavirus. Stay safe, mga kapasada.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.
STAY SAFE AND HAPPY MOTORING!
Comments are closed.