DALAWANG vital cogs mula sa newly-minted UAAP women’s volleyball champion La Salle at isang Far Eastern University standout ang kinuha ng F2 Logistics sa pagtatangka nitong iangat ang lebel ng paglalaro sa Premier Volleyball League.
Nakapaglaro na sa ilalim ng sistema ni coach Ramil de Jesus, malaking tulong ito para kay Cargo Movers mentor Regine Diego, kung saan dadalhin nina Jolina dela Cruz at Mars Alba ang kanilang championship pedigree sa koponan.
“The transition from DLSU Lady Spikers to F2 Logistics Cargo Movers has always felt natural. Family is Home. This partnership has showcased a family oriented bond through out these years,” ipinost ng koponan sa kanilang social media accounts.
Si Dela Cruz ay isa sa Season 85’s Best Outside Spiker awardees, habang naiuwi ni Alba ang Best Setter plum at ang Finals MVP honor sa pagtulong sa Lady Spikers na kunin ang kanilang ika-12 UAAP crown.
“Marionne and Jolina, you guys are no longer different. This is just a traditional transition to join your ‘Ates’,” sabi ng koponan.
Isa pang Season 85 individual awardee, sa katauhan ni Jov Fernandez, ang pumirma rin sa F2 Logistics.
Isang key player sa major turnaround ng Lady Tamaraws mula sa one-win team noong nakaraang taon sa fifth place run sa Season 85, nakpo ni Fernandez ang Best Opposite Hitter honors.
“Jovelyn, you are very welcome to this family. We are glad that a Lady Tamaraw has joined us,” pahayag ng koponan kay Fernandez.
Ang opensa ni Dela Cruz ay makatutulong nang malaki sa Cargo Movers para mabawasan ang pasan ni main gunner Myla Pablo, habang si Alba ay magiging understudy ni veteran playmaker Kim Fajardo.
Maglalaro sa kaparehong posisyon ni Kim Kianna Dy, si Fernandez ay umaasang makagagawa ng magandang impresyon sa kanyang unang conference sa F2 Logistics.
Sa ilalim ni Diego, ang Cargo Movers ay umabot sa podium sa unang pagkakataon sa PVL All-Filipino Conference.